Advertisers

Advertisers

1-yr. old nagulungan-pisak ng cargo truck

0 463

Advertisers

GENERAL SANTOS CITY – Sinisi ng isang driver ang kanyang sarili matapos magulungan sa maneho nitong cargo truck ang isang taon na bata.

Ito ang sinabi ni P/Major Wesley Matillano, hepe ng Alabel Municipal Police station nang sumuko ang isang Renante Undray, 25, residente ng palmera st, Purok 8 Poblacion, Alabel Sarangani Province.

Paatras na umano ang sasakyan na maneho ng salarin nang nadeskarga ang mga constructions materials sa ginagawang barangay gym sa Barangay Paraiso sa nasabing bayan.



Nalaman na pinabantayan ng Ina ng bata ang biktima sa kapatid nito na 8 taong gulang habang nasa loob ito ng bahay.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver na kustudiya na ng mga otoridad.