Advertisers

Advertisers

Inhinyero patay sa spear fishing

0 283

Advertisers

Patay ang isang Electrical Engineer nang malunod sa dagat sa Brgy. Katipunan, Sinait, Ilocos Sur, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Ramos, 40, may asawa, residente ng naturang lugar.

Nabatid na ang biktima at ang kanyang kapatid kasama ang iba pa nagpunta sa dagat para mag-spearfishing.



Habang abala ang grupo sa pagpana ng mga isda, napansin nilang nawawala ang biktima kaya hinanap nila ito hanggang sa makita nilang itong nalulunod.

Agad nilang sinagip ang biktima at pagkatapos nilang maiahon ito mula sa dalampasigan, agad nilang isinugod sa ospital.

Idineklarang dead-on-arrival ang biktima ng umatending doktor.