Advertisers
DINALAW ni Presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno nitong Sabado, Dec.4, ang selda kung saan ikinulong ang rebolusyunaryo at bayaning si Andres Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na si Procopio noong1897. Ito ay matatagpuan sa loob ng Casa Hacienda de Naic, Cavite . Ang hacienda ay nagsilbing base ng operasyon ni Bonifacio at ng kanyang mga tauhan noong April 19, 1897 at iprinoklama bilang Naic Military Agreement, pero ito ay salungat sa gobyernong pinangungunahan ni Emilio Aguinaldo at nagtulak upang arestuhin si Bonifacio at ang kanyang kapatid at ikulong sa selda sa loob ng nasabing Casa Hacienda. Matapos ay dinala ang magkapatid sa Maragondon, Cavite, kung saan sila ay nilitis at pinatay. Dinalaw ni Moreno ang Naic at ang mga kalapit na bayan nito sa Cavite bilang bahagi ng “listening tour” sa mga residente ng iba’t ibang probinsya.