Advertisers

Advertisers

P3.6M ismagel gasolina nasabat sa Sulu

0 215

Advertisers

Nalambat ang halos P3.6 milyong halaga ng produktong petrolyo nang tangkaing ipuslit sa Sulu.

Hinuli naman ng agad ng mga pulisya ng Regional Maritime Unit-Bangsamoro Autonomous Region ang maliit na barkong may bitbit ng diesel at gasolina sa mga asul na plastic drum na palapit sa isla ng Panglima Tahil.

Batay sa imbestigasyon, napag-alaman na galing Tawi-Tawi ang mga produkto na kinuha pa sa Malaysia.



Dagdag pa dito, binebenta umano ng mga Pinoy na nasa bansang Malaysia ang mga diesel at gasolina sa mababang presyo kada litro, mas mababa kaysa sa mga ibinebenta sa Mindanao.

Ang mga nakumpiskang kargamento ng gasolina, ibibigay sa Bureau of Customs para sa disposisyon nito.

Samantala, nakakulong naman ang kapitan ng barko at ang kaniyang mga crew.