Advertisers

Advertisers

Covid-19 status ng NCR very low risk na

0 266

Advertisers

INIHAYAG ng OCTA Research na nasa very low risk na ang COVID-19 status sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research fellow, na mayroon lamang 138 na bagong kaso ang naitatala sa Metro Manila mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2.

Mas mababa ito ng 416 average sa parehas na araw noong nakaraang taon.



Ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila rin ay mayroong 0.36 habang ang average daily attack rate per 100,000 individuals ay 0.97 at positivity rate naman ay 1.2 percents.

Matatandaang sinabi ng Deparmtent of Health (DOH) na nasa halos 100 percent na sa populasyon ng Metro Manila ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.