Advertisers
UMABOT lamang sa 603 bagong kaso, 1,047 gumaling at 156 pumanaw ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, Disyembre 5.
Sa nasabing bilang ng pumanaw, 12 lamang ang nangyari ngayong December.
Ang 36% sa naitalang pumanaw ay nangyari noong November 2021 dahil sa late encoding ng death information sa COVID-19.
Sa ngayon, ang kabuuan ng namamatay sa COVID-19 ay umabot na sa 49,386.
Sa kabila nito, nasa 2,771,536 na ang gumaling sa bansa ngunit 2,834,775 naman ang kabuuang mga kaso .
Ang aktibong kaso ay 13,853.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 laboratoryo ang hindi operational noong December 3, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naitest at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)