Advertisers

Advertisers

Good news! P3 rollback sa oil products

0 238

Advertisers

ASAHAN ang malakihang tapyas sa presyo ng produktong petrolyo simula sa Martes, Disyembre 7.

Ayon sa mga energy sources, tinatayang papalo sa P2.50 hanggang P2.70 ang bawas sa kada litro ng gasolina at P2.70 hanggang P2.80 naman sa kada litro ng diesel.

Maging ang kerosene ay mayroon ding malakihang rollback na P2.70 hanggang P2.80.



Karaniwang inaanunsiyo ang oil price adjsutment sa araw ng Lunes at ipinatutupad kinabukasan o sa araw ng Martes.

Samantala, nitong Linggo ay nagpatupad na ng rollback ang Cleanfuel sa kanilang AutoLPG epektibo alas-8:01 ng umaga.

Ang rollback ng kada litro ng AutoLPG ay P2.70.