Advertisers
NATIMBOG ng Pasig City Police Station ang apat na indibidwal kabilang ang tatlong ginang dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa bahagi ng sa Ilang-Ilang St., Barangay Kalawaan ng nabanggit na Lungsod.
Kinilala ang mga naaresto na sina Henry Nipa, 40 anyos, number 4 sa illegal na droga; Catherine Joyce Villanueva, 24; Russel John Pineda, 27; Camille Cruz, 34.
Nakuha sa mga naaresto ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136K at shabu paraphernalias.