Advertisers
TIMBOG ang tatlong drug dealers sa probinsya ng Sulu.
Kinilala ang mga nadakip na sina Ilahan Yahya, 48 anyos; at kanyang dalawang kasamang babae na sina Murida Ahajan, at si Elwina Unaid, 24, parehong residente ng Indanan, Sulu.
Ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR), naglunsad sila ng drug buybust operation sa bayan ng Indanan kasama ang Indanan Municipal Police at 4th Marine Brigade ng Philippine Navy, na nagresulta ng pagkakasabat sa P13.6 milyong halaga ng shabu.