Advertisers

Advertisers

PILIPINAS ‘MINIMAL RISK’ NA SA COVID-19

Reproduction rate ng Covid-19 sa NCR 0.35 nalang - OCTA

0 222

Advertisers

SINABI ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na nasa minimal risk na sa COVID-19 ang Pilipinas gayundin ang karamihan sa mga rehiyon ng bansa.

Nabatid na ang minimal risk ay nangangahulugan na ang average daily attack rate (ADAR) nito ay less than 1 na.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala pa ang bansa ng negative 2-week growth rate na -57% at low-risk ADAR na .67 per 100,000 individuals.



Iniulat din naman ni Vergeire na ang average daily cases ng sakit sa bansa ay bumaba pa ng 397 cases o 42% ngayong linggong ito hanggang sa average na 544 cases per day.

Samantala, iniulat din naman ni Vergeire na ang national health systems capacity sa bansa ay nasa low risk na rin.

Aniya, ang national admissions ay bumaba sa 21% habang ang ICU admissions ay bumaba rin sa 26%.
Sa mga admissions naman aniya, 18% ang severe at 8% ang kritikal hanggang noong Disyembre 4.

Kaugnay nito, batay sa datos ng DOH, nabatid na ang lahat ng rehiyon sa bansa ay nasa low to minimal risk na rin.

“As of this date, all provinces, highly urbanized cities, and independent component cities are at minimal to low-risk case classification and are under Alert Level 2,” ani Vergeire.
Bumaba rin aniya ang ADAR sa lahat ng rehi-yon at nakapagtala ng negative 1 to 2-week growth rates.



Lahat din aniya ng rehiyon ay mayroong total bed at ICU utilization na mas mababa sa 50%.

Sa NCR, nakapagtala naman ang DOH ng negative 2-week growth rate na -57% at ADAR na 1.13 per 100,000 population.

Nakitaan din aniya ang NCR ng 51% na pagbaba sa mga bagong kaso ng sakit nitong nakalipas na linggo. (Andi Garcia)

Reproduction rate ng Covid-19 sa NCR 0.35 nalang – OCTA
SINABI ng OCTA Research Group na ang reproduction rate sa National Capital Region (NCR) ay bumaba pa sa 0.35 na lamang.

Sa pinakahuling ulat na inilabas ni Guido David ng OCTA nitong Lunes, nabatid na ang naturang reproduction number ay naitala mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 5, 2021.

Anang OCTA, ang naturang numero ay mas mababa kumpara sa 0.92 na naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon, gayundin sa 0.36 na naitala naman mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2, 2021.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong maaaring maihawa ng isang pasyente ng COVID-19.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon ng pagbagal ng hawahan ng virus.

Samantala, ang average new cases per day naman ng COVID-19 ay bumaba rin ng hanggang 112 kumpara sa 370 ng nakaraang taon.

“Comparing the NCR the past week with the same time period last year, the average number of cases is lower by 70%,” batay pa sa report.

Sinabi naman ni David na ang testing levels na isinasagawa ngayong taon at noong nakaraang taon, ay halos kapareho lamang, ngunit ang lahat ng indicators ay mas mahusay na ngayon sa NCR.

Ayon kay David, nakapagsagawa ang rehiyon ng 18,029 average testing ngayong taon kumpara sa 17,974 noong nakaraang taon.

Ang daily attack rate naman pero 100,000 population sa rehiyon ay nasa 0.79 mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 6, 2021. Ito ay mas mababa kumpara sa 2.61 na naitala sa kaparehong petsa ng nakaraang taon.

Ang positivity rate naman ay nasa 1.1% ngayong taon, kumpara sa 3.7% noong nakaraang taon.

Ang hospital bed occupancy para sa COVID-19 na nasa 21% ay mas mababa ngayong taon, kumpara sa 37% ng nakaraang taon.

Gayunman, ang ICU beds occupancy ay mataas ngayong taon na nasa 350 kumpara sa 322 lamang noong nakaraang taon.

Matatandang una nang sinabi ng OCTA na ang NCR, na nasa Alert Level 2 na, ay klasipikado na bilang ‘very low risk’ sa COVID-19. (Andi Garcia)