Advertisers

Advertisers

2022 budget para sa SRA ng healthcare workers target itaas sa P90-bilyon

0 216

Advertisers

TARGET ng bicameral conference committee na paglaanan ng P90 billion ang Special Risk Allowance (SRA) ng mga healthcare workers para sa taong 2022.

Paliwanag ni Appropriations Committee Chair Eric Yap, magkaibang halaga ang inaprubahan ng Kamara at Senado sa kani-kanilang bersyon ng 2022 budget bill.

Ngunit ngayong naisalang na sa bicam ang panukalang pambansang pondo ay nais nilang mabigyan ng P90 billion funding ang SRA sa ilalim ng programmed funds.



Punto ni Yap, mahalagang mabigyan ng sapat na benepisyo ang mga medical at health workers lalo’t hindi pa naman natatapos ang laban ng bansa sa pandemya ngayon may panibagong banta ng Omicron variant. (Henry Padilla)