Advertisers

Advertisers

Pagkamatay ni Nuezca walang ‘foul play’ – BuCor

0 350

Advertisers

NANINDIGAN ang Bureau of Corrections (BuCor) na walang foul play sa pagkamatay ng dating pulis na si Jonel Nuezca sa New Bilibid Prison.

Ayon kay BuCor Spokesman Gabriel Chaclag, kumbinsido silang ‘cardiac arrest’ o natural cause ang ikinamatay ni Nuezca.

Wala naman anyang nakitang kaaway o anumang kahina-hinalang insidente bago dalhin sa ospital ang kontrobersyal na bilanggo.



Batay sa medical examination, hindi rin nakitaan ng mga doktor ng senyales na nakaranas ng karahasan si Nuezca sa piitan.

Sa kabila nito, inaasahan ng BuCor ang resulta ng autopsy ni Nuezca mula sa National Bureau of Investigation (NBI) anumang araw ngayong Linggo.