Advertisers

Advertisers

SUV inararo ang mga sasakyan sa Malabon: 2 patay

0 350

Advertisers

SUMAILALIM na sa inquest proceding ang driver ng SUV na umararo sa mga sasakyan at nakapatay ng isang tricycle driver at babaeng pasahero nito sa tulay sa Barangay Concepcion, Malabon City.

Kinilala ang driver ng SUV na si Kim Russel Sioco.

Sa report, sa kuha ng CCTV makikitang nadaplisan ang 2 kasalubong na kotse at tinumbok nito ang tricycle at sa lakas ng pagkakabangga ay halos madurog ang tricycle, tumilapon sa ilog ang driver at patay din ang babaeng pasahero nito.



Kinilala ang mga biktima na sina Norberto Pinuela na nagmamaneho ng tricycle at pasahero nito na si Novelina Esto.

Ayon kay Police Corporal Anthony Codog, sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage property at paglabag sa R.A 10586 o anti-drunk /drugs driving law si Sioco.

Sinabi ng imbestigador na nagpositibo sa alcohol breath analyzer si Sioco.

Sa facebook page ni Sioco, nabatid na galing ito sa party ng isang celebrity comedian at blogger na si Negi.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">