Advertisers
KULONG ang isang public school teacher nang mahuli sa buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulis, Lunes ng umaga sa Irosin, Sorsogon.
Kinilala ang titser na si Dexter Admendilla, 42 anyos, kinonsiderang high value target at residente ng Brgy. Gabao ng naturang bayan.
Kumagat ang nasabing guro sa buy-bust operation na inilatag ng mga ahente ng PDEA-Bicol at Irosin Police.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang guro.