Advertisers
TINATAYANG sa higit P8 million halaga ng ecstasy ang nasamsam sa isang babaeng drug suspect sa Las Piñas City nitong Martes.
Kinilala ang babae na si Ana Fe Morilla alias “Jonah Lleve”, taga Guava Street, Barangay CAA, Phase 2 ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay Police Brigadier General Jimili Macaraeg, director ng Southern Police District (SPD), 4:25 nang madakip ng mga operatiba si Morilla sa Manila Doctor Village, Barangay Almanza Uno.
Nabuking na naglalaman ang package ng ecstasy tablets nang dumating ito sa Port of Clark noong December 03, 2021. Nagmula ang bagahe sa Belgium at ideniklarang “Lamp”.
Nasamsam mula kay Morilla ang 4,970 pirasong Ecstasy na nagkakahalaga ng P8.5 milyon. (Gaynor Bonilla)