Advertisers

Advertisers

Brawner bagong Phil. Army Chief; Canlas bagong PAF chief

0 356

Advertisers

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Commanding General ng Philippine Army Chief si MGen. Romeo Brawner Jr. habang Commanding General ng Philippine Air Force si MGen. Connor Anthony Canlas Jr. kahapon.

Si Brawner ang pumalit sa puwesto ni Lt. Gen. Andres Centino na itinalaga ni Duterte bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.

Habang si Canlas naman ay kapalit ng nagretirong si LtGen. Allen T. Paredes na kapwa miyembro ng Philippine Military Academy Class 1989.



Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang pagkakatalaga kina Brawner at Canlas ay epektibo mula Dec. 8, 2021.

Bago italaga bilang bagong CGPA, si Brawner ang Commander ng 4th Infantry Division.

Naitalaga rin siya bilang First Deputy Chief of Staff for Financial Management, J10, Commandant of Caders ng PMA, Commander ng 103rd Infantry Brigade sa panahon ng liberation ng Marawi City at Chief NG AFP Public Affair Office.

Si Brawner ay isang special Forces at Airborne Officer at itinanghal na Most Outstanding Filipino Soldiers noong 2013.

Samantala si Canlas ay nanumpa bilang 38th Commanding General ng PAF sa isinagawang Change of Command at Retirement Ceremony na pinangunahan ni Lorenzana sa PAF Multi Purpose Gymnasium, Col Jesus Villamor Air Base sa Pasay City.



Si Canlas ay nagtapos bilang Cum Laude, ranked no. 5 at tumanggap ng Philippine Constabulary Saber Award sa PMA.

Lumipat ng PAF noong 1991 matapos na maglingkod sa Philippine Constabulary at nagtapos ng Pilot Training noong 1993 kung saan nakatanggap ng McMicking Award.

Bago naitalaga bilang CGPAF, si Canlas ang Vice Commander ng PAF.

Samantala si Paredes na mula sa PMA Class 1988 ay nagretiro matapos ang 33 taon sa serbisyo. (Mark Obleada)