Advertisers

Advertisers

Covid update: 370 bagong kaso; 859 gumaling; 171 sawi

0 296

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 370 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Disyembre 8.

Samantala ay mayroon namang naitalang 859 na gumaling at 171 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (12,510) ang aktibong kaso, 97.8% (2,773,320) na ang gumaling, at 1.75% (49,761) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 6, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 1.2% sa lahat ng samples na naitest at 1.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)