Advertisers

Advertisers

Kawani ng DFA huli sa drug buy-bust sa Taguig

0 354

Advertisers

TIMBOG ang isang empleyado ng Department of Doreign Affairs (DFA) sa dug buy-bust operation sa Taguig nitong Martes, Dis. 7.

Nagsagawa ng sting operations ang Drug Enforcement Unit ng Taguig Police sa Sta. Teresa Compound sa North Daang Hari, Taguig 10:30 ng hapon.

Kinilala ang naaresto na si Dennis Pecson, 61 anyos, kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA) at residente ng Marimar Villagee 1, Paranaque.



Ayon sa hepe ngTaguig Police na si Colonel Celse Rodriguez, si Pecson ay isang utility worker sa DFA.

Nakuha mula kay Pecson ang 4 plastic sachet ng shabu na may bigat na 7.4 gramo, nagkakahalaga ng P50,320.

Arestado rin sa buy-bust operation ng mga elemento ng SPD DEU sina Joshua Guevarra, 23; at Joanne Guevarra, 29; kapwa residente ng Taguig; at Paolo Pascual, 30, ng Pateros. Nakuha sa kanila ang 5 plastic sachet ng shabu na nasa 10.5 gramo at nagkakahalaga ng P71,400.

Ang isa ang drug suspects na nadakip sa mga operasyon ay si Christian Jay Villagomez, 23, na nakunan ng 3 plastic sachet ng shabu na nasa isang gramo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">