Advertisers
HINDI nakalusot sa Bureau of Customs(BOC) Port of NAIA ang tangkang pagpuslit ng mga smuggled imported spiders mula sa Poland matapos na madiskubreng itinago sa selyadong postal envelope habang kinukuha ng isang claimant sa isang bodega ng Central Mail Exchange Center (CMEC) sa lungsod ng Pasay.
Batay sa isinumiteng ulat ni BOC-Port of NAIA sub-Collector Mark Almase, ang nasabing shipment ay idineklarang ‘origami’ na galing sa Poland kung saan ay itinago ang mga imported na ‘gagamba’ sa selyadong postal mail envelope na dumating sa Pilipinas noong November 22,2021.
Ayon kay Almase, sa tulong ng x-ray scanning at masusing physical examination ay agad na natuklasan buhat sa envelope ang sampung pirasong imported spiders na umano’y nagkakahalaga ng P 75,000 libong piso.
Agad namang ikinasa ng BOC-NAIA Enforcement and Security Service Enviroment Protection Compliance Division (ESS-ECPD) ang pagdating ng ‘claimant’ kung saan ang ‘consignee’ ay taga-Olongapo City. Nadakip ang claimant ng mga otoridad dahilan upang sampahan ito ng kasong paglabag sa section 1401 in relation to section 117 of RA 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act at RA 9147 ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Nabatid sa kabuuang bilang ay umabot na sa 1,010 wildlife species ang naharang ng Port of NAIA. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga bettles, tarantulas, centipedes, scorpions at black spiders.(JOJO SADIWA)