Advertisers

Advertisers

3 gangsters nag-amok: Businesswoman patay sa ligaw na bala

0 305

Advertisers

BUMULAGTA ang pagpapahangin lamang na businesswoman na nakaupo sa tapat ng kanilang bahay nang tamaan ng ligaw na bala mula sa nag-aamok na 3 gangsters sa Barangay Paliparan 3, Dasmarinas City, Cavite, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rebecca Fuentes, 48 anyos, may asawa, negosyante, ng Brgy. Paliparan 3.

Tumakas naman ang mga salarin na nakilalang sina Kevin Acsaba Arguelles, isang alias Onyok at isang alias Gerald, pawang residente ng naturang barangay.



Sa ulat, 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente. Nagpapahangin lang sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang tatlong lalaki na nagsisigaw, naghahamon ng away at walang habas na nagpapaputok ng baril. Tinamaan ang ginang sa dibdib.

Tinutugis na ng pulisya ang mga salarin. (Irine Gascon)