Advertisers
Personal na naging panauhin sa Lingguhan forum sa MPD Press Corps si Atty. Alex Lopez at Raymond Bagatsing na tumatakbo bilang Mayor at Vice Mayor sa Lungsod ng Maynila. Ayon kay Atty. Lopez kung mabibigyan sila ng pagkakataon na mahalal bilang alkalde ng lungsod, bibigyan nila ng pagkakataon ang mahihirap na Manilenyo tulad ng vendors na maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay at bibigyan prayoridad ang mga senior citizens na maramdaman nila ang pag-aaruga mula sa Lungsod. (NAN RAMOS)