Advertisers

Advertisers

Beteranong reporter pinatay sa loob ng bahay

0 257

Advertisers

NASAWI sa pamamaril ang isang beteranong journalist sa Calbayog City, Samar, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jesus “Jess” Malabanan, 58 anyos, correspondent ng Manila Standard, Bandera, at Reuters; at residente ng Langka St., Angeles City, Pampanga.

Ayon sa ulat ng Calbayog Police Station, nanonood ng TV si Malabanan sa loob ng kanyang tindahan sa Barangay San Joaquin nang pagbabarilin ng mga ‘di pa nakikilalang salarin sakay ng motorsiklo.



Dinala pa ang biktima sa pagamutan ngunit dineklarang dead on arrival.

Kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMs) ang pagpatay kay Malabanan.

“This cowardly killing in the midst of a pandemic is truly unforgivable,” saad ni PTFoMs executive director Undersecretary Joel Sy Egco. “We will get to the bottom of this and will stop at nothing in bringing to justice the perpetrators of this despicable crime.”

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang posibleng motibo sa pagpatay kay Malabanan.

Sinasabing walang kaaway si Malabanan hindi ito isang ‘hard-hitting’ journalist.



Kaugnay nito, inatasan ni Philippine National Police Chief, General Dionardo Carlos, ang Police Regional Office 8 na bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) upang pangunahan ang pagsasagawa ng malalim na imbestigasyon sa pagpaslang sa mamamahayag.

Sinabi ni Carlos na ang SITG ay binubuo ng Regional Criminal Investigation and Detection Group, Forensic Group, Regional Intelligence Unit, at Calbayog City Police Station na pamumunuan ng Deputy Regional Director for Operations ng PRO-8.

Inatasan narin ni Carlos ang SITG na makipag-ugnayan sa pamilya ng biktima hinggil sa natatangap nitong pagbabanta sa kanyang buhay na mayroon kaugnayan sa trabaho at posibleng iba pang angulo na maaring makatulong sa paglutas sa krimen. (Mark Obleada)