Advertisers
PATAY ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng ‘di pa nakikilang mga salarin sa tapat ng kanyang bahay sa Santa Rosa, Nueva Ecija.
Kinilala ang biktima na si Emiliano Muncal, tserman o kapitan ng Brgy. Inspector, Santa Rosa.
Sa report, 7:20 ng gabi nang maganap ang pamamaril.
Nabatid na galing ang biktima sa Brgy. Hall at ipinaparada nito ang kanyang motorsiklo sa tapat ng bahay nang dumating ang ‘di nakikilang mga salarin.
Pagtapat ng mga salarin sa biktima, agad itong pinagbabaril. Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang opisyal. Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Sta Rosa-Tarlac Road.
Agad dinala ang biktima sa pagamutan sa Cabanatuan City pero binawian ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.(Mark Obleada)