Advertisers

Advertisers

Covid update: 562 bagong kaso; 882 gumaling; 176 sawi

0 434

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 562 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Huwebes, Disyembre 9.

Ayon sa DOH, mas mataas ito kumpara sa 370 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas nitong Miyerkules, Disyembre 8.

Batay sa DOH case bulletin #635, umaabot na ngayon sa 2,835,996 ang total COVID-19 cases sa bansa.



Sa naturang kabuuang bilang, 0.4% na lamang o 12,169 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga active cases naman, 4,838 ang mild cases, 3,857 ang moderate cases, 2,177 ang severe cases, 851 ang asymptomatic at 446 ang kritikal.

Mayroon din namang 882 mga pasyente pa ang gumaling na rin mula sa sakit, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,773,891 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.8% ng total cases.

Nakapagtala pa rin naman ang DOH ng 176 pang pasyente na namatay sa sakit.

Sa kabuuan, nasa 49,936 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.76% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">