Advertisers
ISANG resolusyon ang inihain sa Kamara upang silipin ang umano’y malaking pagkalugi ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sa investment nito sa Megawide Construction Corporation.
Sa House Resolution 2397, inaatasan ang House Committee on Good Government and Public Accountability na silipin ang aabot sa P1.606 billion combined loss ng GSIS at SSS dahil dito.
Tinukoy sa resolusyon na hanggang nitong December 1, ang presyo sa Megawide share ay bumagsak sa P5.06.
Lumalabas na ang mahigit 80 milyong shares ng GSIS sa Megawide Construction na aabot sa P1.163 billion ay bumagsak sa mahigit P406 million na lamang.
Habang ang SSS na may share na mahigit 90 milyon sa kumpanya na aabot sa P1.306 billion ay nasa mahigit P456 million na lang. (Henry Padilla)