Advertisers
INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority na naabot na ng National Capital Region (NCR) ang 100 percent na target population para mabakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., ang Metro Manila raw ay mayroong eligible population na 9.8 million.
Labis na ikinatuwa ni Abalos ang naging turnout ng pagbabakuna sa pagdalo nito sa Bayanihan, Bakunahan event.
Malaking tulong na rin dito ang tatlong araw na national vaccination day na isinagawa noong katapusan ng buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre 2.
Una nang inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DLIG) na nasa 23 highly urbanized cities na karamihan ay matatagpuan sa NCR ang bakunado na ng second dose ang 70 percent ng kanilang target population.
Ipinagmalaki rin ni Abalos ang maagap na hakbang ng pamahalaan kaya na-control ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant.
Patuloy naman ang paghimok ng pamahalaan sa mga hindi pa bakunadong mga Pinoy na magpabakuna na sa susunod na vaccination drive ng pamahalaan.
Sa mga gustong magpabakuna ay mayroong mga malls na bukas sa ilang lugar para doon magpabakuna.
Nakatakdang isagawa ang susunod na malawakang bakunahan sa Disyembre 15 hanggang 17. (Josephine Patricio)