Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 379 bagong kaso; 631 gumaling; 25 nasawi

0 367

Advertisers

MULING nakapagtala ng mababang bilang ng bagong deaths ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Disyembre 10, umabot lamang sa 25 ang bagong deaths sanhi upang maging 49,961 na ang namamatay.

Sa nasabing bilang, 5 lamang ang nangyari ngayong buwan ng Disyembre.
Anim noong Nobyembre, 7 – Oktubre, 5- Setyembre, at tig-isa noong Agosto at Hulyo.



Bumaba rin ang bagong kaso o mga nagpo- positibo sa COVID-19 kung saan umabot lamang sa 379.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 2,836,200 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa bansa.

Nasa 631 naman ang nadagdag sa mga recoveries na umabot na rin sa kabuuang 2,774,334.

Sa aktibong kaso, mayroon na lamang 11,905 na karamihan rito ay mild cases na nasa halos limang libo. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">