Advertisers

Advertisers

Higit 197 nasunugan sa San Andres, inayudahan ni Isko

0 235

Advertisers

Personal na binisita ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga nasunugang residente sa San Andres, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Nagpaabot si Mayor Isko ng financial assistance sa higit 197 pamilya na nawalan ng masisilungan lalo na’t papalapit na ang Kapaskuhan sa Barangay 775, Sagrada Familia sa San Andres.

Sinabi ni Domagoso na mahalagang walang nasaktan sa mga residente mula sa sunog.



Tiniyak din nito na magiging masinop siya upang maging episyente niyang mapaglikingkuran ang mga Manilenyo.

Pinasalamatan naman ni Domagoso ang iba pang opisyal ng gobyerno na tumutulong sa mga nasunugan sa lungsod ng Maynila partikular si Senator Bong Go.(Jocelyn Domenden)