Advertisers

Advertisers

International Human Rights Day karapatan ng magsasaka sa libreng pamamahagi ng lupa iginiit

0 250

Advertisers

MULING iginiit ng grupo ng mga magsasak sa selebrasyon ng International Human Rights Day ang karapatan ng mga magsasaka sa pagkakaroon ng lupang masasaka upang matiyak ang food security ng bansa.

Sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) President Danilo Ramos ang karapatan sa pang-ekonomiya, pulitikal at kultural ay ginarantiyahan ng International Human Rights at kabilang dito ang pagkakaroon ng lupang masasaka.

“Right to land, right to food” ay kabilang sa mga karapatan ng mga magsasaka” ani pa ni Ramos.



Nabatid sa press statement at sa telephone interbyu muling iginiit ni Ramos na hindi na dapat ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program ng Department of Agrarian Reform (DAR) dahil matagal ng tapos umano ang naturang programa noong panahon pa ng 2014.

“Ang dapat ipatupad ng DAR ay ang genuine agrarian refom program na siyang magtitiyak ng pamamahagi ng lupa sa mga walang lupang magsasaka” ani pa ni Ramos.

Samantala nito hinihiling din ng KMP ang pagpapalaya sa mahigit 700 bilanggong pulitikal na nakakulong sa buong bansa.

Kaugnay nito sinabi ni Ramos na ang dapat ipatupad ng gobyerno at ng Department of Agrarian Reform (DAR) ay ang libreng pamamahagi ng lupa at hindi yung simpleng pamimigay ng CLOA (Certificate of Land Ownership Awards) at babawiin naman sa kalaunan at muling kukuhanin ang lupa.

“Free land distribution at di simpleng pamimigay ng CLOA ang aming hinihiling” ani pa ni Ramos.



Sinabi pa ni Ramos na nabigo ang programa ng pamahalaan at ng DAR na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at hindi ito naging matagumpay.

Kaugnay nito sinikap ng sumulat na makuha ang panig ng mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) subalit nabigong makuha ang panig ng DAR dahil hindi sumasagot sa text message at tawag sa telepono ang mga opisyal nito.(Boy Celario)