Advertisers

Advertisers

Kumander ng NPA sa Cagayan timbog

0 265

Advertisers

ARESTADO ang tinaguriang isa sa pinakamataas na lider at kumander ng New People’s Army (NPA) sa Cagayan.

Kinilala ang naaresto na si Rolando Villarosa Ibis alyas “Ka Saro”, 49 anyos, residente sa Barangay Remus, Baggao, Cagayan.

Nabatid na isa sa pinakamataas na miyembro ng NPA si Ibis o Ka Saro ng Squad 1 ng Platoon Alpha, East Front Committee ng Komiteng Probinsiya Cagayan o KOMPROB Cagayan at dating East Commander ng Northern Front ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley o KRCV.



Naaresto si Ibis ng magkasanib pwersa ng 204th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 2, 77th Infantry Battalion, 5th Infantry Division ng Phil. Army, Baggao Police Station, Gattaran Police Station, Peneblanca Police Station at Provincial Intelligence Unit ng CPPO.

Sangkot si Ibis sa mga kasong kidnapping with homicide, arson at rebellion.

Batay sa inilabas na warrant of arrest, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya nito.(Rey Velasco)