Advertisers
NADAKIP ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted sa Tokyo.
Kinilala ang pugante na si Hiratsuka Masakazu, 63 anyos, na naaresto sa San Miguel, Manila.
Sa report, nag-aayos si Masakazu ng pekeng kasal sa pagitan ng kanyang kababayan at isang Filipina upang makakuha ang huli ng residence visa sa Japan.
Naglabas na ng warrant of deportation laban kay Masakazu dahil sa pagiging “undesirable alien”.
Kasalukuyan siyang nakadetine sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Inilagay na si Masakazu sa BI blacklist at pinagbawal nang pumasok sa Pilipinas (Jocelyn Domenden)