Advertisers

Advertisers

Price cap sa ilang gamot sa 2022 pa mararamdaman – DOH

0 232

Advertisers

NILIWANAG ng Department of Health (DOH) na hindi agad magiging mandatory ang benepisyo ng bagong kautusan ng Malakanyang na nagtatakda ng price cap sa mahigit 100 gamot na karaniwang pang-maintenance o para sa matagalang gamutan.

Pahayag ni DoH program manager for Pharmaceutical Division Melissa Guerrero, maaaring sa Marso 2022 pa maramdaman ang epekto ng nasabing kautusan.

Paliwanag nito, kailangang ikonsidera munang maubos ng mga botika ang mga stock nilang gamot, upang hindi naman malugi ang naglabas ng kapital para sa mga ito.



Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong isang araw ang executive order na nagtatakda ng maximum retail price sa ilang mga gamot.

Subalit babala ng DoH, kapag epektibo na ang batas, maaaring makasuhan at pagmultahin ang mga botikang magbebenta ng higit pa sa itinakdang presyo ng mga ito sa kanilang costumers.