Advertisers
IBINASURA ng piskalya ang reklamo ng ilang lending company laban sa guro na sangkot umano sa sangla-ATM na modus sa Calamba, Laguna.
Sa ulat, ibinasura ang reklamo laban kay Julieta Palasin, suspek sa modus, dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Sinabi ng piskal na dapat ang bangko o ang mga tunay na may-ari ng ATM cards ang maghain ng reklamo.
Bago ito, dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) si Palasin bilang kasabwat ng grupo na nagmamanipula ng mga “lost” na ATM card para gamitin ng mga teacher sa pag-apply ng loan.
Maglo-loan umano ng P150,000 ang mga guro gamit ang altered card, at hindi mapapansin ng lending company na hindi papasok ang suweldo ng mga guro dahil hindi talaga sa kanila ang mga minanipulang ATM card.
Nagkakahalaga ng P35,000 ang bayad sa isang altered card, habang hati naman ang sindikato at ang guro sa matitirang loan na P115,000.