Advertisers

Advertisers

Sekyu tinaniman ng bala sa noo ng katrabaho

0 229

Advertisers

BUMULAGTA ang isang guwardiya nang barilin ng kanyang kasamahan sa trabaho nang magkainitan habang nag-iinuman sa Barangay Cali, Dingras, Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na si Jimuel Cacactin, security guard, residente ng Banna, Ilocos Norte; habang ang salarin sy kinilalang si Vincent Reyes, pahinante ng trak at residente ng Barangay Imelda sa bayan ng Marcos.

Sa ulat ng PNP Dingras, nag-iinuman ang biktima at salarin kasama ang iba pang katrabaho sa bodega ng kanilang pinagtatrabahuhan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.



Sa gitna ng mainitang diskusyon, naglabas si Reyes ng baril at ipinutok sa noo ni Cacactin na agad nitong ikinamatay.

Sinabi ni Police Staff Sergeant Julius Renan Peralta na nasa kostudya na nila Reyes pati ang kalibre .38 baril na ginamit sa krimen.

Ayon naman kay Barangay Chairman Teddy Rosquetta ng Barangay Cali, kalilipat lamang ng biktima sa Dingras. Nagpalipat umano ito dahil may problema ito sa asawa.