Advertisers

Advertisers

Magbespren todas sa rambol

0 256

Advertisers

Patay sa pananaksak ang isang magkaibigan sa isang rambol sa bayan ng Manticao, Misamis Oriental, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Manticao COP na si Police. Maj. Renz Marion Serrano, pauwi na ang sina Eljan Baculong at Andrew Tacbobo mula sa isang Christmas lighting ceremony nang madaanan nila ang ilang nag-iinumang mga kaibigan.

Nagsimula ang away nang pinansin sina Tacbobo at Baculong ng mga kasama ng kanilang mga kaibigan.



“Sinabihan sila (Tacbobo at Baculong) na, ‘umalis na kayo dito baka saksakin ko kayo,’“ ani Serrano.

Nagkasuntukan ang dalawang grupo bago nasaksak ang mga biktima.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad na malapit sa pinangyarihan sa krimen, at dalawang salarin ang nahuli, na isa sa mga ito 17-anyos lang.

Dinala sa ospital sina Tacbobo at Baculong pero idineklarang dead-on-arrival ang mga biktima ng mga doktor.

Kakasuhan ng kasong homicide ang mga salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">