Advertisers

Advertisers

2 PATAY, 2 SUGATAN SA SAGASA NG RECKLESS NA PARAK!

0 384

Advertisers

KULONG ang isang pulis nang makabangga at makapatay ng dalawa katao at 2 ang sugatan sa Tagbilaran City, Bohol, pasado 7:00 Linggo ng gabi.

Sa ulat mula sa Bohol Police Provincial Office, nasangkot sa reckless driving si Patrolman Ruben Ayuban sa CPG North Avenue, Tagbilaran City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng traffic section, walang habas na minamaneho ni Ayuban ang kaniyang kotse na Hyundai EON (AAZ 7153) nang mabangga sina Lisa Jimenez, 55 anyos; at Aileen Apatan, 31.



Isinugod pa sa ospital ang dalawang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Muling nakabangga si Ayuban, 31, nakatalaga sa Regional Mobile Police Battalion 7, ng isa pang motorsiklo kungsaan grabeng na-injure sina Ella Jean Ongyot Gamban at Edwin Lopena Alcora.

Pagkatapos nito, pinaharurot ulit ni Ayuban ang kaniyang sasakyan at nabangga naman nito ang isa pang tricycle sa CPG North Avenue malapit sa Unitop General Merchandise na minamaneho ni Aristedez Taghap.

Dinala ang mga sugatan sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital.

Ayon kay Lt. Col. Mary Crystal Peralta, hepe ng Tagbilaran City Police Station, inihahanda na ang mga kasong isasampa laban kay Ayuban na Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide, Multiple Physical Injuries at Damage to Properties.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">