Advertisers

Advertisers

$250-M loan ng Pinas para sa COVID-19 vaccines aprub na ng ADB

0 220

Advertisers

APRUBADO na ng Asian Development Bank nitong Lunes ang loan na $250 million (P12.5 billion) para madagdagan pa lalo ang vaccine supply ng Pilipinas.

Ang nasabing halaga ay nakalaan sa 40 million na karagdagang doses ng COVID-19 vaccine na gagamitin para sa mga eligible na mga bata at booster shots na rin para sa mga matatanda.

Ayon kay ADB Principal Social Sector Specialist for Southeast Asia Sakiko Tanaka, suportado ng ADB ang mga hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas para maprotektahan ang mga mamamayan, lalo na ngayong may mga nagsusulputang bagong COVID-19 variants.



Nilinaw ng ADB, ang proyektong ito na tatawagin bilang Second Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 under the Asia Pacific Vaccine Access Facility (HEAL2) Additional Financing, ay magiging co-financed ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). (Josephine Patricio)