Bagong disenyo ng P1,000 bill, inapela ni Isko
Advertisers
INAPELA ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang desisyon nitong tanggalin ang mukha ng tatlong pambansang bayani at martir sa bagong disenyo ng P1,000 Philippine bill at pinalitan ito ng agila.
Sa regular flagraising ceremony nitong Lunes, sinabi ni Moreno na ang flora at fauna ay maaari pa rin namang ilagay nang hindi tinatanggal ang mga mukha nina Gen. Vicente Lim, Josefa Llanes-Escoda at Jose Abad Santos.
“Ako po ay talaga namang nalulungkot because the only way that the next generations will be reminded everyday sa mga taong nagbuwis ng buhay para sa atin ay ‘yung nakikita natin sila sa ating pera,” sabi ni Moreno said.
Dahil dito ay nanawagan si Moreno sa publiko na tulungan siyang umapela sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na muling pag-isipan ang disenyo ng bagong P1,000 bill na siyang pinakamataas na perang papel sa bansa, sa pangambang sumunod na rito ang iba pang perang papel.
“Maaring ‘yung ibang bayani, di na nasusulat sa aklat. Sa mukha man lang ng salapi makita natin sila dahil sila ang nagbuwis ng mga buhay para sa kalayaang tinatamasa natin ngayon. I hope you help me appeal to the BSP. Isiping muli ‘yung kanilanhg gagawin sa mga darating na araw. Sana, ‘wag namang tuluyang alisin ang mukha at name ng mga Pilipino na ating tnitingala bilang bayani ng bansa,” sabi ni Moreno.
Upang bigyan diin ang kanyang punto, sinabi ni Moreno na ang dahilam ng pagtatayo ng mga estatwa at monumento ay upang bigyang pugay ang mga natatanging mga Filipino na magbuwis ng kanilang buhay para sa bayan at upang ipaalala ang kanilang kadakilaan sa lahat ng mga dumadaan at nakakakita nito.
“Kung unti-unting mawawala ang mga bayani sa tingin ng susunod na henerasyon, wala nang makaka-alala sa kanila. Sino ang magpapaaalala sa kasaysayan kundi na masyadong naituturo sa paaralan at hindi na sila nakikita kung saan-saan? Sino pa ang magpapa-alala sa mga susunod na henerasyon,” pagdidiin ni Moreno.
Binanggit pa ng alkalde na ang mga bayaning Filipino na nagpakita ng ibayong pagmamahal at nakapag-ambag ng malaki sa bayan ay dapat na i-immortalized, gaya ng dating alkalde ng Maynila na si Mayor Arsenio Lacson, na siyang nagtatag ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila kung saan di na mabilang ang mga taga-Maynila na nakinabang.
“Gaya ng pagsumpa sa watawat at pag- awit ng Lupang Hinirang na nagpapa-alala sa atin na tayo ay Pilipino. Tayo at tayo lamang ang tunay na magmamahal sa ating bansa,” sabi ni Moreno.
Bagamat hindi naman niya ganap na kinikwestyon ang dahilan sa pagkakaroon ng bagong disenyo ng P1,000 bill , sinabi ng alkalde na bilang isang pribadong mamamayan at alkalde ng Maynila, mas gusto pa rin niyang makita ang mga mukha ng bayaning Filipino para magpaalala sa lahat ng nasa pamahalaan na dapat silang maglingkod ng mabuti at episyente.
“We must continue putting names of our heroes in our money bills. Ang pera hawak araw-araw. Mahalaga at kaalinsabay niyan, importanteng i-remind sa tao ang kasaysayan at kabayanihan ng mga pambansang bayani ,” sabi ng alkalde.
“Sa ganun man lamang paraan ay mabigay sana natin ang dangal at pagkilala sa buhay na inalay nila para sa bansa at kalayaan natin. Para ang mga kabataan, maalala nila at huwag silang makalimot na lumingon sa nakaraan dahil ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan,” dagdag pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)