Advertisers
NATAGPUAN na sa Masbate ang katawan ng isa sa limang mangingisda mula Baras, Catanduanes na naiulat na nawawala.
Nakitang palutang-lutang ang bangkay ni Melvin Babagay, 36 anyos, ng Barangay Danao sa karagatan na sakop ng Brgy. Matabao, Batuan, Masbate. Nakilala ito ng pamilya dahil sa tattoo nito sa kaliwang balikat na ‘Melvin’.
Agad na inilibing ang agnas na mga labi nito, habang patuloy na pinaghahanap ang apat pa na kasamahan nito.
Matatandaang, naiulat na nawawala ang mga mangingisda simula ng pumalaot ang mga ito noong Disyembre 1.
Una nang narekober ang kanilang mga bangka sa Capul Island sa lalawigan ng Samar.
Natagpuan ang dalawang motorized banca sa Capul Island sa Samar.
Ayon sa ulat, sabay na pumalaot ang dalawang motorized banca na may markings na Jamaila 3 at France Gabriel lulan sina Dante Torrente at Melvin Babagay.
Pinaghahanap pa sina Ronald Abarle, 28; Jerson Asis, 21; ang dalawang Torrente na sina Dante, 27; at Jovel, 32.
Tanging si Freddie Mengo ang nakaligtas nang mapadpad ito sa isla ng Rapu-Rapu, Albay.