Advertisers

Advertisers

Pending cases ng presidential aspirants tatapusin ng Comelec sa Dis. 15

0 271

Advertisers

PUSPUSAN ang trabaho ng Commission on Elections (Comelec) para maresolba sa lalong madaling panahon ang mga pending cases laban sa mga presidential aspirants.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, target nilang maresolba ang mga pending cases na ito pagsapit ng Disyembre 15.

Aminado si Jimenez na “hard deadline” ang petsang ito pero ito aniya ang expectation na kanilang itinakda para sa kanilang mga sarili.



Kamakailan lang ay sinabi ni dating Comelec chairman Christian Monsod na mayroong kaakibat na repurcussions sakaling magkaroon ng delay sa paglalabas ng poll body ng kanilang final verdict sa mga pending cases na kinakaharap ng mga presidential aspirants, partikular na ang kay dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nabatid na mayroong siyam na pending petitions kontra Marcos, na tumatakbo sa pagkapangulo.

Samantala, ipinaliwanag ni Jimenez na ang second-place winner ang siyang kikilalanin sa puwesto sa oras na ang mananalo ay makakansela ang COC pagkatapos ng eleksyon.

Pagdating naman sa disqualification case, sinabi ni Jimenez na kung maresolba ito pagkatapos ng halalan, ang “constitutionally designated successor” ang siyang aakyat sa puwesto.

Isa pa sa pagkakaiba sa dalawang sitwasyon ay maaring magkaroon ng substitution kung ang kandidato ay disqualified pero hindi sa kanselado ang COC.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">