Advertisers

Advertisers

Tao-tao!

0 537

Advertisers

‘Yan ang isang uri ng depensa sa basketball. kukuha ka ng katunggali na babantayan mo nang mahigpit sa kanilang opensa.

Dapat pigilan mo siya sa gusto niyang mangyari. Kailangan marunong kang bumasa ng kanilang tatawaging play.

Yung point guard na may tangan ng Molten ay ihaharass mo para malito sa pagpasa. Tanggalin mo kanyang court vision.



Yung forward nila susubukan mo ring hindi makatanggap ng leather o malibre lalo na sa ilalim. Dapat hindi makabuslo ang iyong tinatao.

Sa rebound naman ibabox-out mo para ikaw makakuha ng bola at hindi ang sentro mong katapat.

Siyempre labanan mo rin ang iseset-up nilang screen. Maliksi ka dapat. Kondisyon na kondisyon ang katawan at pag-iisip.

***

Tao na manonood sa mga palaruan ay napakahalaga. Nagbabayad mga yan para masaksihan ang mga match ng kani-kanilang mga paboritong koponan.



Ang MPBL ginawa na nilang propesyunal na liga upang payagan magbukas na may audience sa SM MOA.

Ang PBA may pahintulot na rin mula sa IATF at LGU ng QC na may mga tagasubaybay na sa Araneta Center.

Ang tanong ay maubos kaya ang percentage ng mga upuan sa MOA o Big Dome o saan man ang venue ng mga game.

Ayon sa Commissioner’s Office ay hanggang 25% ang papapasuking mga fan. Nguni;t dapat kumpleto na ang bakuna.

Sabi ni Pepeng Kirat ay kahit sabik siya ay telebisyon muna siya. Sa tinigin niya malamang ang Ginebra na laro lang ang talagang tatauhin.

Naku kung tama si Pepe ay malaking bentahe yan sa GinKings gaya ng dati. Homecourt advantage eka nga.

***

Ang isang tunay na motivated na tao sa NBA ay si LeBron James. Mga 30 plus game pinamamalas ni LBJ sa mga huli nilang mga laban. Kahapon may triple-double pa si King James sa panalo kontra Orlando sa Staples Center. Kitang-kita determinasyon ng tinuturing na GOAT ng marami pero may mga hater din.

Nais niyang bitbitin ang Lakers lalo’t may injury pa si Anthony Davis.