Advertisers
ANIM na drug suspects ang inaresto at nasa P.4 million halaga ng shabu ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Pasay at Makati City nitong Lunes.
Kinilala ang mga naaresto na sina Domel John Mariño, 18 anyos; at Bryan Bacuitis, 24.
Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), 12:30 ng madaling araw nang madakip ng mga tauhan ng Pasay City Police si Mariño sa tinitirhan nito sa 1 Ilang-Ilang St., Brgy. 184, Maricaban at nakumpiska dito ang 4 gramo ng shabu worth P27,200.00.
Samantala, 2:20 ng madaling araw nang maaresto si Bucuitis sa 133 P. Manahan St., Barangay 30, at nakuhanan ng 8.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P55,760.00.
Sa Pasay, naaresto sina Kyle San Juan, 19, estudyante, 2:00 ng madaling araw sa Decena Street, Barangay 94 dahil wala itong suot na face mask at habang ini-inspection ay nakuhanan ito ng 2.8 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P336.00.
Alas-10:00 ng gabi nang madakip naman sina Wilmer Lopez, 39, at ang POGO Customer Representative na si Cathleen Joie Roxas sa Maya St., Barangay Rizal, Makati City, sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Makati City Police, at nakumpiska sa mga ito ang nasa P85,000.00 halaga ng shabu.
Nakakuha pa ang mga pulis sa mga suspek ng 55 gramo ng shabu worth P374,000.00.
Alas-5:00 ng hapon nang madakip sa 164 Caimito St., Brgy. Cembo, Makati City, si Rosalito Guarra, 55, at nakunan ng 9. 21 gramo ng shabu na nasa P62,628.00 ang halaga.
Ayon sa SPD, mahigit sa P436,628.00 ang kabuang halaga ng shabu na nasamsam sa mga suspek. (Gaynor Bonilla)