Advertisers

Advertisers

Seguridad para sa ‘Simbang Gabi’ kasado na – PNP Chief Carlos

0 438

Advertisers

PLANTSADO na ang ipatutupad na seguridad ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi ngayong Miyerkules, Disyembre 15.

Pahayag ni PNP chief Police General Dionardo Carlos, nakipag-ugnayan na ang field commanders sa iba’t ibang simbahan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Paiigtingin din aniya nila ang pagpapatrolya lalo na sa mga komunidad upang mapigilan ang mga masasamang loob.



Una nang inihayag ni NCRPO regional director Police Major General Vicente Danao na gagamit ng yantok ang mga ide-deploy nilang tauhan sa Simbang Gabi.

Pero para aniya matiyak ang physical distancing at hindi bilang pamalo sa mga mahuhuling lalabag sa health protocols.