Advertisers
KULONG ang isang ginang na bibisita sa kanyang mister sa loob ng piitan ng Marikina City Police nang makumpiskahan ng mga tinapay na may palamang shabu, Linggo ng hapon.
Nakilala ang naaresto na si Anne Aldana, 41 anyos.
Nabatid na nagtungo si Aldana sa kanyang kinakasama na nakapiit sa Marikina CPS custodial facility upang maghatid ng mga pagkain. Pero nang inspeksiyunin ng duty jailer ang dala nitong naka-pack na mga tinapay ay nadiskubre na may palaman ang mga ito ng shabu.
Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa isang gramo ng palamang shabu ang nakuha sa mga tinapay.