Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na mananatili sa Alert Level 2 ang buong bansa mula Disyembre 16 hanggang 31, 2021.
Kasunod ito ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na panatilihin sa Alert Level 2 ang buong bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles, bagama’t patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 minabuti ng IATF na panatilihin ang Alert Level 2 sa buong bansa dahil sa banta ng Omicron variant.
Inihayag ni Nograles, mananatili rin ang restrictions na nilagdaan ng IATF sa ilalim ng Alert Level 2 lalo na sa mga social gathering kung saan pinapayagan lamang ang 50 percent capacity sa mga indoor at 70 percent sa outdoor venue.
Nanawagan ang Malakanyang sa publiko na paigtingin ang pag-iingat, pagsunod sa minimum health protocol sa mga isasagawang selebrasyon ng Yuletide season at pagsalubong sa Bagong Taon dahil patuloy ang banta ng pandemya. (Josephine Patricio)