Advertisers
NASAWI ang isang piloto habang sugatan ang estudyante nito nang bumagsak ang eroplano nilang sinasakyan sa Alaminos, Pangasinan nitong Miyerkoles, Disyembre 15, ng umaga.
Kinilala ang pilot instructor na si Capt. Daryl Uy, habang ang estudyante ay si Caran France Kaura, 21 anyos.
Sa ulat, bumagsak ang eroplano nilang sinasakyan na may body number na RP-C8202 sa Sitio Paradise ng nasabing barangay 9:02 ng umaga.
Agad binawian ng buhay si Uy, habang buhay pa sa gitna ng kanyang mga sugat si Kaura at kasalukuyang nasa pagamutan.
Samantala, nagpadala na ang CAAP ng grupo ng imbestigador para tutukan ang insidente.