Advertisers
INIHAYAG ng Malakanyang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglaan ng mas maraming oras sa pamilya kung kaya nagpasya itong umurong na sa pagkandidato sa pagka-senador sa 2022 elections.
Sinabi ni Cabinet Secretary at acting Presidential spokesman Karlo Nograles, mahigit apat na dekada nang nasa serbisyo sa pamahalaan ang Pangulo kung kaya nais naman nitong gugulin ang natitirang panahon kapiling ang pamilya.
“Well, gaya ng nai-release namin na statement ‘no, unang-una, it’s because the President wants to spend time with his family after more than four decades of public service,” ani Nograles.
Dagdag pa ni Nograles, nais din ng Pangulo na tutukan ang trabaho lalo na ang pagtugon sa pandemya sa COVID-19. (Vanz Fernandez)