Advertisers

Advertisers

Sabong puede na sa Alert Level 2

0 327

Advertisers

PINAYAGAN nang makapagbukas ang mga sabungan sa gitna ng pagpapatuloy ng Alert Level 2 sa buong bansa mula Disyembre 16 hanggang 31, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles, kasama sa pinagtibay ng Inter Agency Task Force (IATF) ay ang pagpapahintulot nang makapagbukas ang mga sabungan sa mga lugar na nasa Alert Level 2.

Giit ni Sec. Nograles, 50% maximum capacity lang ang papayagan at ang mga pupunta ng sabungan ay dapat na fully-vaccinated.



Nilinaw ni Nograles na mahigpit na ipinagbabawal ang palitan ng pera at sa halip ay papairalin ang cashless transaction o ang mga tinatawag na technology-based platforms sa hanay ng mga parokyano ng sabong. Ibig sabihin, bawal ang pustahan ng cash.

Paalala nito na kailangan may “go signal” sa lokal na pamahalaan para sa posibilidad na muling magbukas ang iba’t ibang cockpit venues.

Pinatitiyak din ng IATF na nasusunod ang health protocols na inilatag laban sa COVID-19.

Panawagan ng IATF sa Department of the Interior and Local Government (DILG), ipasara ang mga sabungan na hindi makasusunod sa itinakdang health protocols. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">