Advertisers
NASAWI ang isang lalaki nang magulungan ng gulong na kumalas sa isang trailer truck sa Quezon City noong Martes.
Kinilala ang biktima na si Vicente Rapadas, security guard, na naaksidente sa may Kaingin Road habang nagbibisikleta pauwi, 3:00 ng hapon noong Martes.
Sa ulat, kumalas ang gulong ng isang trailer truck, na pumunta sa direksiyon ni Rapadas.
Nadamay din sa aksidente ang isang delivery rider at nakabisikletang barangay tanod pero nakaligtas sila.
Tumama sa poste ang gulong ng truck kaya tumigil ito sa pagtama sa mga motorista.
Inaresto ng mga awtoridad ang truck driver, na kinasuhan ng ‘simple negligence resulting in homicide and multiple damage to property’.
Ayon sa driver, higit 2 linggo na ang nakalilipas mula nang huli niyang ipa-check ang gulong.