Advertisers

Advertisers

Tsekwa buking ng rider na shabu ang ipina-deliver

0 358

Advertisers

TIMBOG ang isang Chinese national dahil sa delivery package na naglalaman ng shabu sa Taguig City.

Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng Taguig City Police Substation 1 si Xingchao Li, 29 anyos, nanunuluyan sa McKinley sa Taguig City, noong Disyembre 13.

Inaresto si Li nang tanggapin ang package mula sa Lalamove rider.



Bandang 2:59 ng hapon nang i-pick up ng Lalamove rider ang package sa may Baclaran area.

Humingi ng tulong ang Lalamove rider nang maghinala nang tumanggi ang sender na nagngangalang Xiaofei na palitratuhan ang package at sa halip binigyan nalang siya ng P100.